Wednesday, September 10, 2008

Pano Magcompose ng Last Words

Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby.

At napag-isip isip ko, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?


Preparedness
Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:

"Don't end it like this. Tell them I said something."
-------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist.

Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)

"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!"
-------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist

Originality
Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:

"Consummatum est (It is finished)"
-------------José Rizal, Filipino Nationalist

Drama / Theatrics
Ayoko din naman na sobrang pormal:

"I believe we should adjourn this meeting to another place."
------Adam Smith, Political Economist

Samples (customized)
Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:

"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate"
-------------Miko in the wildlife together with a stupid friend

"Sigurado ba kayong red wire ang puputulin"
-------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad

"Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond"
-------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life

"Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?"
-------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball

"Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon"
-------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials

"Sorry, akala ko nasa business trip ka"
-------------Miko na nahuli =P


Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.

"Last words are for fools who haven't said enough".
-------Karl Marx, Political Economist

Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?

2 comments:

Kris Canimo said...

my last words...

"yung password ko sa blog ko ay nasa wallet ko, please paki post yung mga picture ng burol at libing."

hahaha

The Mikologist said...

nyahaha,

pasaway,
hahaha.