Tuesday, August 19, 2008

Mga Formulae Sa Buhay

Sabi ni lolo Albert Einstein,

"Equations are more important to me,
because politics is for the present,
but an equation is something for eternity."


So since hindi ko pa afford ang human cloning, at I’m too young for self-induced cryogenic process, I’ll start making formulae para maging immortal. So far, ito pa lang ang nagawa ko.

Attractiveness = (Amount of Available Light) / Level of Intoxication - Number of Hotties
This formula became evident nung madalas pa akong gumigimik. Pag nasa bar ka na may kadiliman, at mejo marami ka ng nainom, at kaunti lang ang cute sa paligid mo, then suddenly, the person besides you starting to look pretty. Part na to ng strategy ng isang friend ko na hindi naman kagandahan, kaya kung dumating sya sa party eh lango at losyang na ang karamihan. Sure thing, lagi xang nate-take home. God have mercy sa taker when they wake up late morning. (Pahabol, ang mga pa-late-late, panget!).

Soul mate = Proximity + Compatibility + Attractiveness2
Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang sinasabing soulmate ng kaibigan mo happen to live a few blocks away? Sa dinami dami ng milyong tao, bakit hindi tibetan monk ang soulmate mo, o kaya kahit ang isang sikat na artista. Naobserbahan ko na ang sinasabing soulmate ng mga kakilala ko eh yung mejo malapit lang sa kanila, (riding distance), kaperas nila sa ibang bagay, at type na type nila. This formula would proved wrong pag nakameet na ako ng taong magsasabi sa akin ng "Miko, eto picture ng soulmate ko, yuck noh?"

Secret = (Information x Number of Those who know) x Number of Those who Don't Know
Sabi nila, ang secret daw ay thing you tell to one person at a time. So halimbawa, sikreto nyo ng bestfriend mo na may relasyon kayo. Then, sasabihin mo tong "secret" na to sa isang trusted na kaibigan mo, na sikreto nyo to at tatlo lang kayong nakakaalam. Then sasabihin mo pa to sa isa mo pang pinagkakatiwalaang kaibigan, at the same time yung bestfriend mo sa pinagkakatiwalaan nyang kaibigan, and at the same time yung pinagkakatiwalaang kaibigan ng trusted friend mo. Ganyan ang secret, na ang kaibahan lang sa "announement" ay kung ilang bagsakan.

Tsismis = Reality / Degree ng Word Transfer.
Kung witness ka, masasabi mo na totoo ang isang pangyayari. Pag naikwento mo sa iba ang nakita mo o naexperience mo, masasabi nating ito ay balita (1st Degree). Ang formula sa itaas ay nagpapayahag na ang reality or truth is inversely proportional sa degree ng word transfer. Si Nena ay na naempacho, at nalaman ng nanay na ikinuwento sa katulolng na masakit ang tiyan, na ikinuwento ng katulong sa kapitbahay na masakit ang tyan at nasusuka. After one week, alam na nang lahat na buntis si Nena, at malamang si Nonoy na nagdedeliver ng dyaryo ang ama. Kaya for me, its either Experience ko, or News from people who witness or experience it themselves, at kasunod ay Tsismis na.

Kayo? Share kau ng formulae nyo!

1 comment:

David Edward said...

thanks for your comments.. appreciated.