Monday, August 4, 2008

Pano Mag Shopping sa Quiapo

A couple of weeks ago, nawalan ako ng wallet sa Quiapo na pambili ko sana ng supplies for my microbusiness. My sympathetic friends comforted me saying:

"Aaawww.
Ang t@nga moh.
Ang tagal mong tumira dito sa manila,
hindi ka nawawalan ng pera sa Quiapo,
naglagi ka lang sa probinxa,
naging t@nga ka na."
-------------Sheena, Comforting Words of Wisdom

Now, to ensure na hindi na mauulit ito, at para na rin sa ating mga readers na matagal ng gustong masubukan mamili ng DVD / Installers / Photosupplies / P0rn$ sa Quiapo, follow my manual.



Quiapo Shopping Guide
by: Miko Legaspi
Street Scholar and Old Time Victim

Tip #1 Magmukang Busabos
This tip works well tulad sa "How to Avoid D@ting Manual" ko.
Dapat magmuka kang mas mahirap sa tindero ng fishbol. Take not, ang tindero don ay naka N series na cellphone na nabili sa SM (Sa Magnanakaw). Kung meron kang old model na cp (yung parang plantsa sa bigat at hitsura), pwede mo itong bitbitin at idisplay as props. Ito ay magsisilbing senyales na you're cheap, outdated, and carrying deadly weapon to those who dare.

Tip #2 Wag isunod or isabay ang date sa Quaipo
Kung magpapacute ka after Quiapo, ang tendency eh maporma ka during or right after. Mag-ingat kang mabuti dahil magiging mainit din ang mga mata sa iyo ng mga snatchers at laslas baggers. Dito ako nagkamali kasi I met with someone right before I went to Quiapo. Kaya for the first time, pumunta ako ng Quiapo na naka jeans, coincedentally, for the first time din, some @$$hole took my wallet. Thanks for my stupidity.

Tip #3 Ipaghiwalay-hiwalay ang mga pera.
Commonsense na ang "Don't put all your eggs in one basket". Kaya nung nawalan ako, meron pa akong natirang 1 sampung piso, 1 limang piso, at 3 piso na barya para pamasahe papunta sa kaibigan ko sa Malate para umutang ng pamasahe pauwi ng probinsya. Para mas mababa ang risk sa iyo, i diversify mo (naks, parang portfolio) ang paglalagyan mo ng pera. Pwedeng 200pesos sa kanang bulsa, 200 pesos sa kabila, another sa loob ng bag, another sa loob ng brief. Kung kaya mong i-roll ang bills at ipasok sa ilong mo, by all means do it. Make sure to bring a tweezer to pull it out. Privately para tanggapin pa ng tindera ang pera mo.

Tip #4 Wag tatanggap ng kahit anong Libre
Ang simbahan ay pugad ng mapagkawang gawa at religious na business man. Kung ano-anong rosaryo, pins, anting-anting ang ibibigay sa iyo. Libre ito. Pero sa oras na tumanggap ka, required kang magdonate ng mga at least 200 pesos. Stay a good 10 feet from these people. Kahit glance lang from your perepheral vision, pagnakita ka nila, that constitute a deal. It also applies sa mga tindero ng cedula na hindi mo naman magagamit when you apply for NBI Clearance sa Carriedo.

Tip #5 One Minute Food Rule Doesn't Work
Pag nalaglag ang kinakain mo sa kahit saang parte ng Quiapo (or any LRT station for that matter), ang "Wala pang isang minuto" ay hindi epektibo. Three feet pa lang above the ground, may deadly germs na. Don't mind the guys that would pick it up and eat it later. Ipaubaya mo na sa kanila yon. Sadyang naging mabait ang evolution sa kanila at binigyan sila ng mas germ-resistant na sikmura. Sorry na lang tayong mga poorly evolved species.

Tip #6 Maligo Right After
Pagkauwi mo sa bahay (or tinutuluyan mo), subukan mong mangulangot. Kulay itim 'di ba? Yan ang tinatawag na alikasok (alikabok at usok na pinagsama). Kaya maligo ka muna bago mo isalang ang bagong p0rn$ na nabili mo. Try to add 3 drops of muriatic acid, 2 teaspoon ng panglinis ng silver at kalahating tasa ng liquid sosa kada isang balde ng kumukulong tubig for the best bath ever.

So thats it! Follow those advise for a hassle free shopping. Good luck and we'll pray for you.

Kayo, may iba pa ba kayong tip when shopping sa Quiapo?

1 comment:

Abou said...

salamat sa payo. di pa ako nakakapunta ng quiapo kaya didibdibin ko ito.

nice blog